Raul Lantican: Musikero at Kompositor, Tunay na anak ng Santa Rosa

March 01, 2011
By: Sharilyn Lucino

Isinilang sa bayan ng Santa Rosa noongAgosto 20, 1960, anak ng mag-asawang Lelina Vergara Ramos at Santos Genave Lantican. Ipinag-isang dibdib kay Eva Lantican at biniyayaan ng dalawang anak na sina Mark at Aileen naparehong mag-aaral sa Emmanuel Christian School. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Raul sa isang pribadong kumpanya sa bayan ng Cavite. Nagsimula ang karera sa musika ni Raul Lantican taong 1976 bilang estudyante sa UP Conservatory of Music bilang iskolar ng bayan.

Bago pa man mag-aral sa konserbatoryo ng musika ay kumuha siya ng abogasya.  Ngunit sadyang ang musika ang kanyang pangunahing hilig kaya taong 1984 ay nagdesisyon siyang balikan ang pag-aaral ng musika.Dahil sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral si Raul ay tinulungan siya ng noo’y Gobernador ng  Laguna na si Gov. Restituto Luna upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan, ito ang nagbayad sa UST Symphony Orchestra nang magtanghal siya sa Phil-Am Life Auditorim bilang pagtatapos ng kanyang kurso.

Ang dating Punongbayan ng Santa Rosa na si Mayor Roberto Gonzales naman ang nagbayad ng nasabing lugar. Isa din sa itinuturing niyang guro si Lucresia Kasilag, National Artist for Music ang isa sa nagging inspirasyon niya upang matapos ang kanyang pag-aaral sa larangan ng musika.

Isa sa mga sikat na komposisyon niya ang “Isa Kang Awit” na inawit ni Dulce Amor na nagkamit bilang Best Religious Recording sa Awit Awards noong taong 1991. Nilikha ni Raul ang album para sa mga bata na pinamagatang Santa Rosa Kids ito ay nanalo din sa nasabing kumpetisyon bilang Best Perfomance by Children Category.  Sinulat din niya ang Panatang Bayan nananalong first prize sa National Song Writing Festival noong centennial celebration ng KKK noong 1996.

Tunay na may pagmamahal sa pinagmulangbayan kaya bilang Chairman ng Communication and Performing Arts Foundation for Santa Rosa (naitinatag ng dating Punonglungsod Leon C. Arcillas) ay sumulat siya ng ilang awitin para sa Lungsod ng Santa Rosa. Dahil dito ay nalikha niya ang Santa Rosa Naming Mahal. Ito ay naglalaman ng 21 orihinal nakomposisyon at inawit ng mga nanalo sa patimpalak na ginanap sa bayanng Santa Rosa at binigyang buhay ng mga mang-aawit tulad ng Tiongco Brothers. Sinabi ni Raul Lantican na ang obra niyang Santa Rosa Naming Mahal ay pagpapakitalang ng pagmamahal saLungsod ng Santa Rosa.  Ito ang iiwan niyang pamana para sa mga susunod na henerasyon ng Lungsod ng Santa Rosa. 



Related Photos

Recent Other Related News and Articles
  • ANGAT ANG GANDA – ENCHANTED KINGDOM
    Ang Enchanted Kingdom (EK) ay isang theme park na matatagpuan sa RSBS Boulevard, San Lorenzo South, Balibago sa ating lungsod. Ang parke ay may kabuuang 17 ektarya na matatanaw mula sa South Luzon Expressway at kalahating oras lamang ang biyahe...
    Learn More »

  • ALAY KAY LOLO AT LOLA
    Noong Setyembre 30, 2013, ipinasa ang Ordinansa Bilang 1936-2013 na naglalayong makapagbigay ng pagkakataon na makapanood ng libre sa sinehan ang lahat ng Senior Citizen na nakarehistro sa Lungsod ng Santa Rosa.
    Learn More »

  • MEDICAL AT DENTAL MISSION SA BRGY BALIBAGO, INILUSAD
    Noong Disyembre 10, 2013 ay nagsagawa si Vice Mayor Arnel DC Gomez at ang I Love Santa Rosa Foundation Inc., katuwang ang Ayala Land Inc., ng isang Medical/Dental mission sa tanggapan nito sa Brgy. Balibago
    Learn More »


Events & Activities
Be Updated on our Latest Events
View All Events


Featured Video
Inaugural Session of City Council of Santa Rosa, Laguna 2010 part 3 of 3







Hotlines
  • Philippine National Police
    Phone No(s). : 8376499 / 6501
  • Fire (BFP)
    Phone No(s). : 8376035

  • Community Hospital
    Phone No(s). : 5343601

  • Rescue
    Phone No(s). : 5349999



Stay Connected With Us